^

PSN Opinyon

Mag-ingat: Krimen sa Internet naglipana

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MULA nang magkaroon ng mabilis at malawakang­ telekomuni­kasyon, sinasamantala na ito ng masasa­mang­ loob. Nu’ng 1834 kinalikot ang telegraph system sa France para sa raket sa bentahan ng stocks; dalawang taon bago ito madiskubre. Kaiimbento pa lang ng telepono nu’ng 1876 meron na agad nanlilinlang ng pera -- estilong dugo-dugo gang o pekeng manliligaw.

Lumala ngayong panahon ng Internet. Lumaganap ang child pornography dahil sa dali at kamurahan magpadala ng mga text, retrato, video, at audio. Kasama ng junk mail ay mga nag-aalok ng palsipikadong produkto at serbisyo. Naging madali magnakaw ng intellectual property: Artikulo, tula, dula, nobela, awit, pelikula, at im­ben­siyon. Merong mga nanlilinlang ng sex, nangwawasak ng computer files kung hindi magbayad ng ransom, at nagnanakaw sa banko o ng database (tulad ng sa Comelec nu’ng 2016). Siyempre nandiyan din ang fake news -- propagandang pampulitika at terorismo, o simpleng paninira at panlilito.

Dahil din sa computer technology, gumaling na ang pag-imprenta; nakakapagkalat ng pekeng pera o stock certificates sa pamamagitan ng Internet. Gumaling na rin ang pagkopya ng retrato, boses, fingerprint, at video kaya nakapanloloko sa email ang mga nagkukunwaring kamag-anak at kaibigan.

Nakakatakot ang pinaka-bagong teknolohiyang artificial intelligence. Nakakapag-feed ng milyon-milyong data sa mabilis na computer, para mamemorya (deep knowledge) ang hitsura, boses, pirma, ugali, hilig at iba’t-iba pang katangian ng indibidwal. Nakakabuo ng audio-video recordings niya nang hindi niya namamalayan. Halimbawa, nagwawala, naghububad, nag-uutos, nangangako, o gumagawa ng krimen (pagnanakaw, panununog, pagpatay). Maikakalat ito sa Internet para manirang-puri o mangikil sa biktima.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with