PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Napindeho ni Utol

SA kasal, ang katapatan sa isa’t isa ang nagpapanatili sa pagsasama ng mag-asawa. Sa ilalim ng ating batas, ang pagsisinungaling o pangloloko sa parte ng kahit sino sa kanila ay puwedeng basehan ng pagpapawalambisa ng kanilang kasal. Katulad na lang sa kaso nina Raymond at Grace.

Matapos ang ilang taon ng panliligaw, nakasal sa isang simpleng seremonya sina Raymond at Grace. Matapos ang apat na buwan, ipinanganak ni Grace ang isang malusog na batang babae, si Katrina. Pero imbes na matuwa ay pagkalito ang inabot ni Raymond. Hindi kasi niya napansin na nagbuntis ang asawa, kahit pa nga ang umbok ng ipinagbuntis nito ay hindi halata bago sila nagpakasal. Ang kanyang hinala, hindi niya anak ang bata.

Pagkatapos, nalaman ni Raymond na pinakasalan din pala ni Grace ang kapatid niyang si Elmer bago sila nagpakasal. Ang kapatid ang totoong tatay ni Katrina at hindi siya. Hayagang sinabi ni Elmer na sinadya nila ni Grace na itago ang totoo para makaiwas sa kahihiyan. Kaya ang nangyari, nagsampa ng petisyon si Raymond para ipawalambisa ang kasal nila ni Grace dahil sa panloloko at kataksilan na ginawa ng babae.

Ibinasura ng Regional Trial Court ang reklamo ni Raymond. Ayon sa korte ay hindi naman daw maituturing na “fraud” o panloloko ang ginawang pagtatago ni Grace sa ipinagbubuntis. Pareho ang naging hatol ng Court of Appeals. Hindi raw kapani-paniwala ang paratang ni Raymond na hindi niya napansin ang pagbubuntis ni Grace bago sila nagpakasal at ang hinala nito na si Katrina ang naging bunga ng unang relasyon ng misis sa kapatid na si Elmer.

Pero binaliktad ng Supreme Court ang desisyon ng CA. Ayon sa Supreme Court ay maaaring maging basehan ng pagpapawalambisa ng kasal ang “fraud” na nag-ugat sa paglilihim ng isang babae sa kanyang pagbubuntis mula sa ibang lalaki na hindi niya asawa.   Ayon sa medical research, kapag ang isang babae na apat na buwan na buntis ay nagpakasal, ang paglaki ng bata sa sinapupunan ay hindi pa masyadong pansin (enlargement of the umbilicus occurs only below the abdomen). Kaya masasabing talagang itinago ni Grace ang pagbubuntis. Sapat itong basehan para mapawalambisa ang kanilang kasal lalo pa at idagdag ang ibang ebidensiya ng pakikipagtalik at pakikipagrelasyon ni Grace kay Elmer (Aquino vs. Delizo, 109 Phil. 21).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: