^

PSN Opinyon

Itigil na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG pakikinggan ang pinakahuling salita ni Pres. Rodrigo Duterte tungkol sa usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa CPP-NPA, ayaw na niyang ituloy ito. Marami na raw utang ang mga komunista sa gobyerno. Marami na silang napatay na pulis, sundalo. Isusunod na nga raw na target ng gobyerno ang NPA kapag natapos na ang krisis sa Marawi. Kung utang din lang ang pinag-uusapan, banggitin na rin natin na malaki ang nagastos ng gobyerno sa mga nakaraang pag-uusap. Sa ibang bansa pa ginawa. Sigurado nakatira sila sa mga maaayos na lugar, at sinagot na rin ang anumang gastusin.

Sinang-ayunan din ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang desisyon ng Presidente. Ilang beses na raw hindi nagpakita ng katapatan ang mga komunista. Patuloy pa rin ang pag-atake sa gobyerno at pangingikil sa mga negosyante. Paano nga uunlad ang isang lugar kung may ganitong mga kriminal na aktibidad? Paano nga naman magkakaroon ng matapat na usapan, kung ganito naman kumilos ang NPA? May katotohanan talaga na walang kontrol ang CPP-NDF sa NPA. Habang nag-u­usap, patuloy pa rin ang mga masasamang ginagawa ng NPA.  

Umaksiyon din kaagad ang mga komunista laban sa gobyerno, sa planong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao. Inutos ng CPP ang kanilang armadong grupo na NPA na magsagawa ng pag-atake sa buong bansa. Hindi sila sang-ayon sa nais ni Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taon. Lalala lang daw ang pang-aabuso ng militar at pulis. Pero sa totoo lang, wala naman akong naririnig na malawakang pang-aabuso na isinagawa ng pulis at militar sa mga sibilyan nitong nakaraang dalawang buwan.

Ganun naman pala. Itigil na nga ang lahat ng pag-uusap hinggil sa kapayapaan. Sa tingin ko wala nang mangyayari sa dalawang panig, na ilang beses nang nagsubok mag-usap. Baka nag-aaksaya na lang ng panahon at pera ang gobyerno sa CPP-NPA. Hindi talaga magkatugma ang mga pananaw, prinsipyo at ideolohiya. Parang tubig at langis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with