^

PSN Opinyon

‘Be happy’

DOC WILLIE - Pilipino Star Ngayon

(Part 2)

ALAM kong marami kang iniisip. Minsan sa rami ng problema ay nalulungkot ka na. Pero alam mo ba na may paraan para maging masaya tayo? Heto ang mga payo:

l Mag-isip ng masasayang bagay – Ayon kay Norman Vincent Peale, ang awtor ng mga libro sa Positive Thinking­, dapat nating turuan ang ating sarili na mag-isip ng masasaya. Kung may negatibong ideya na pumasok sa isipan mo, takpan mo agad ito ng positibong pananaw. Sabihin mong, “Okay lang ako. Kayang-kaya iyan. Malu­lutas din iyan.”

l Magbasa at makinig ng good news lamang – Alam kong maraming diyaryo na puro bad news ang isinisiwalat. Puro away at patayan na lang. Iwasan natin ang pagbabasa nito. Piliin lang ang mga magagandang balita. Magbasa ng mga payo sa kalusugan.

l Tumawa – Ayon sa pagsusuri, ang panonood ng masayang palabas ay nakapagtatanggal ng lungkot, galit at inis. Manood ng mga palabas na comedy at cartoons para sumaya.

l Alagaan ang iyong kalusugan – Paano ka sasaya kung may sakit ka? Kumain nang tama. Umiwas sa bisyo tulad ng sigarilyo at alak. Magpa-check-up din sa doktor.

l Mag-ehersisyo – May kakaibang saya ang naidudulot ng ehersisyo. Kapag ika’y napawisan, sasarap ang iyong pakiramdam.

l Maghanap na katamtamang stress sa buhay –Kung sobra ang stress, masama ito sa katawan. Pero kung kulang ka naman sa stress o trabaho, hindi rin maganda. Ito’y dahil tatamarin ka at manghihina din. Alamin ang tamang dami ng trabaho na angkop sa iyo.

l Matulog – Kailangan mo ng 7-8 oras ng tulog bawat gabi. Kung hindi ka makatulog, subukan mong uminom ng vitamim B complex. Nakarerelaks ito. Kahit hindi ka makatulog, humiga ka na lang sa kama at parang nakapahinga rin ang iyong katawan.

l Umibig – Ang taong umiibig ay puwedeng humaba ang buhay ng 7 taon. Oo, tunay iyan. Mas maligaya rin ang may asawa kaysa sa wala. Bakit kaya? Siyempre, kung may karamay ka sa problema mo, mas gagaan ang pakiramdam mo. Mayroon pang mag-aalaga sa iyo.

l Maniwala sa Diyos – Ayon sa pagsusuri, ang mga taong may tiwala sa Diyos ay mas masaya kumpara sa mga hindi naniniwala. Ang mga taong umaasa sa magandang bukas at may layunin sa buhay, ay mas masaya at mas healthy pa.

Kaya kaibigan, kung hindi ka masaya ngayon, huwag mag-alala. Dahil unti-unti, gaganda rin ang buhay mo. Ganyan talaga ang gulong ng buhay. Tandaan: Nasa iyo ang lahat ng kailangan para maging masaya!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with