^

PSN Opinyon

Limitado na ang paggamit ng paputok

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

AKO’Y nagagalak dahil napirmahan na ni Pres. Digong Duterte ang Executive Order No. 28 na pinagbabawal ang pagbebenta at paggamit ng paputok. Maraming maga­galit pero kaligtasan naman ng nakakarami ang nakasalalay dito. Sana’y matagal nang naisabatas ito dahil karamihan sa mga nagiging biktima ng paputok ay mga bata. Mali ang rason ng iba na malungkot ang pagsalubong sa bagong taon kung walang paputok. Ang paputok walang sinasanto ‘yan mapabata man o matanda pagnagkamali kang gamitin ito, wasak ang kamay o putol ang daliri mo.

May mga uri ng paputok na parang bomba kung su­mabog pero meron ding hindi gaano kalakas ang ingay. Naalala ko, 10 taon na siguro ang nakararaan bagong taon ng araw na yun, ang paligid ay parang war zone. Nagsimula ang putukan dito sa Metro Manila ng mas maagang oras alas diyes ng gabi nagtuluy-tuloy hanggang alas dose ng madaling araw. At ang iba ay umabot pa ng alas dos ng umaga. Napakadelikado para sa mga bumabiyahe at naglalakad ng gabing yun dahil halos hindi mo na makita ang daan sa kapal ng itim na usok na galing sa mga paputok.

Nung nakaraang taon nabawasan na ang mga nagpaputok, bumaba ng 32%, pero ang bilang ng mga sugatan ay mataas pa rin mahigit 600. Sa kabila ng babala ng Department of Health (DOH) na ang paputok ay mapanganib, ang mga Pinoy ay hindi pa rin maiwasang bumili nito at ang resulta ay aksidente. Laging puno ang mga ospital pagsapit ng bagong taon. Kahit anong ga­wing babala ng gobyerno may katigasan lang talaga ng ulo ang iba nating kababayan.

Sana itong bagong EO ay matauhan na tayo at iwa­san na ng lahat gumamit ng paputok. Marami naming puwedeng pamalit ng ingay at pailaw tulad ng lusis at torotot para mairaos ang bagong taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with