^

PSN Opinyon

Hindi nagtagal

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI nagtagal ang Anti-Distracted Driving Act. Hindi naman ako nagtataka. Ang sabi ko nga ay hindi malayo na magkaroon ng protesta sa nasabing batas. Sinuspinde ng DOTr ang batas, na hiniling din ng ilang mambabatas. Pag-aaralan na muna nang husto ang mga patakaran na saklaw ng nasabing batas. Nagkakaroon na kasi ng kalituhan at kritisismo sa mga inilabas na patakaran ng gobyerno. Walang argumento na minadali na naman ang pagpapatupad nang walang “testing” na muna, at kulang na kulang ang impormasyon sa publiko.

May mga nagreklamo sa pagbawal na rin ng mga rosaryo na nakasabit sa mga salamin ng sasakyan. Paano nga naman makakaabala sa drayber ang rosaryo? Mga pampublikong sasakyan, partikular mga jeepney, ang nagreklamo naman sa pagbawal sa mga karatula na nagsasabi kung ano ang kanilang ruta. May mga negreklamo hinggil sa posisyon ng dash cam, na sa ngayon ay napakalaking tulong sa mga motorista, lalo na kung krimen ang naganap sa harap mo. Hindi rin maintindihan kung bakit bawal gumamit ng cell phone kahit nakahinto. Kaya nga may CP ay para matawagan at makatawag, hindi ba? Sa tindi ng trapik ngayon, hindi na masasanay ang tao na hindi nagagamit ang CP ng dalawa o tatlong oras, dahil sa trapik. At walang argumento na malaking tulong ang mga apps tulad ng Waze, para malaman ang pinakamagandang ruta sa lansangan.

Hindi naman mahirap pag-usapan ang mga tama at praktikal na aplikasyon ng nasabing batas. Hindi naman kailangang maging kumplikado, sentido komon lang. Ang kailangan lang isipin ay ang kaligtasan. Sang-ayon ako na kung hindi naman kailangan ang mga nakasabit o nakakabit sa salamin ng sasakyan, at malaking hadlang o sagabal sa nakikita ng drayber, ipagbawal nga. Hinggil sa paggamit naman ng CP habang nasa sasakyan, walang argumento na bawal habang nagmamaneho. Kapag nakahinto, pagkakataon na dapat para magamit. Kung tatabi naman para magamit ang CP, hindi naman dapat bawal iyan. Baka mas delikado pa nga kung tutungo ang drayber para makita lang ang CP, sa takot na baka mahuli. Hindi ba mas delikado iyan? Pag-aralan na muna.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with