PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Anti-distraction

PABOR ako sa bagong batas na ito pero parang asiwa akong bigkasin kung tatawaging “Anti-Distracted law.” Ang buong opisyal na katawagan nito ay Anti-Distracted­ Driving act. Tama. Pero minsan kapag sino-shortcut, nagiging anti-distracted law, na masakit sa tenga. Kaso, sa paggawa ng ulo ng balita sa diyaryo, lubhang mahaba kung isusulat ng buo kaya nagiging “anti-distracted.” Mali pa rin. Hindi dapat maisakripisyo kung minsan ang katumpakan ng isinusulat para lamang paigsiin ito.

Tulad din ng batas laban sa maruming kapaligiran na Anti-Pollution Law, o batas na nagbabawal sa diskriminas­yon o Anti-Discrimination Law. Pihong masakit sa tenga ang mga iyan kung tatawaging, Anti-Polluted Law o kaya Anti Discriminated Law.

Pero sa totoo lang, saludo ako sa sustansya at layu­nin ng batas. Karanasan kasi natin madalas, may mga sasakyan sa ating harapan na nakatengga at ayaw umandar kahit go na, kaya pala ay nagte-text ang driver! Kung hindi mo pa bubusinahan ay hindi pa aandar. Hindi bale kung ganyan lang.

Sa marami nang pagkakataon, may mga inaabot ng malagim na aksidente dahil may kausap o ka-text sa cellphone habang nagmamaneho. Mabuti at isinabatas na ang pagbabawal dito para matauhan naman yung ibang drivers na walang konsiderasyon. Kasi kung makaaksi­dente, o sila ang maaksidente dahil sa paggamit ng cell­­phone at ibang gadget, idinadamay nila ang ibang matitinong nagmamaneho.

Sa unang araw ng implemntasyon, iniulat na may isandaang katao ang nasampolan ng batas. Hindi pa sila hinuli kundi binalaan pa lamang, Maganda iyan at sana ay maging tuluy-tuloy ang implementasyon ng batas. Makatutulong din siya  kahit kaunti sa pagpapaluwag ng trapik.  Huwag sanang  panlupaypayan ang implementasyon ng batas tulad ng batas sa pagsusuot ng seat belt. Kahit sa mga expressways, pasumpung-sumpong ang mga awtoridad sa panghuhuli ng mga motoristang hindi gumagamit ng seatbelts. Anyare na ba?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: