^

Pang Movies

Erwan gusto nang pakasalan si Anne!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Erwan gusto nang pakasalan si Anne!
Erwan at Anne

Did we hear it right, Salve A., ang susunod nang ikakasal sa kanilang barkada pagkatapos ni Isabelle Daza sa foreigner na si Adrien Semblat, ay si Anne Curtis?

Nasa kanyang 30s na si Anne at mukhang nahanap na niya ang tamang lalaki na kanyang pakakasalan sa katauhan ng occasional food blogger, ramp at commercial model na si Erwan Heussaff.

Si Erwan ang bunsong kapatid ni Solenn Heussaff-Bolzico.

Pinakamatagal na sa mga naging karelasyon ni Anne itong si Erwan. More than five years na ang kanilang relasyon. At heto pa ang magandang balita, Erwan reportedly is just waiting for Anne to give him the go-signal na magpakasal na sila.

Pero ayon sa mga malapit kay Anne, mukha raw malabong may kasalang maganap ngayong taon o early next year, gustuhin man daw ni Anne na pagbigyan si Erwan.

Kasalukuyang nagsu-shooting si Anne ng action movie na Buy Bust, kunsaan makakasama niya ang Martial Arts expert na si Brandon Vera, at ididirehe ni Erik Matti.

In a relationship na ngayon ang ex-boyfriend ni Anne na si Sam Milby.

Si Oyo Boy Sotto naman ay happily married kay Kristine Hermosa at meron na silang mga anak.

Si Richard Gutierrez naman na hindi pa man kasal kay Sarah Lahbati, ay mukhang faithful sa ina ng kanyang panganay na si Zion.

JC 15 years nang hindi nakikita ang nanay!

Alam niyo ba na 15 years na palang ‘di nagkikita sina JC Santos at ang kanyang ina, na 18 lang noong ipanganak si JC 27 years ago?

Nagtatrabaho raw bilang OFW (Overseas Filipino Worker) ang mother niya sa Amerika.

Magkahiwalay na ang kanyang parents. Na med­yo matagal-tagal na rin, ayon kay JC (Juan Carlos). Nineteen years old naman ang kanyang ama at isang seaman nang ipinanganak siya. May kapatid din siyang babae na mas bata sa kanya.

Dating theater actor si JC at si Direk Andoy Ranay, co-director ng kanyang kasalukuyang top series, Till I Met You, with Antoinette Jadaone ang tumulong sa kanya para maging TV actor.

Bago siya mapanood sa TV, nagtrabaho rin siya sa Singapore and Hong Kong. At for a while ay nagkaroon siya ng pagkakataong makapunta ng U.S. para um-attend ng acting workshop.

Hindi pa raw nararamdaman ni JC na sikat na siya. In fact, nabigla raw siya na ang dapat na JaDine World Day sa Trinoma, na ang special guest nga ay sina James Reid at Nadine Lustre, biglang may malaking crowd din na nagkakagulo sa kanya.

Tanong niya raw tuloy kay Direk Andoy, “Nanga­ngahulugan bang sikat na rin ako?”

Basta hindi raw si JLC Maja ayaw idaldal ang non-showbiz na Idini-date

Next year na raw bibigyan ni Maja Salvador ng full attention ang paggawa ng TV series at pelikula.

Sa kasalukuyan daw kasi ay gusto muna niyang mag-focus sa pag-perform sa concert, lalo’t sa mga probinsya.

But on November 11, Maja is set na magkaroon ng concert, titled Only Maja, sa Kia Theater.  Hindi pa raw tiyak ni Maja kung sinu-sino ang kanyang magiging guest performers. Bagama’t ang magdidirek daw nito ay si Johnny Manahan.

Ang huling serye na nilabasan ni Maja ay ang FPJ: Ang Probinsyano, kunsaan inakala ng lahat na sila ang magkakatuluyan ni Coco Martin, na siyang gumaganap na bida sa serye.

Wala pa raw boyfriend si Maja mula nang mag-break sila ni Gerald Anderson more than two years ago pero umamin naman si Maja na nakikipag-date siya. Kung kanino, secret pa raw.

Ang ex naman niyang si Gerald ay mukhang seryoso na talaga this time sa dating ex na si Bea Alonzo.

Gagawa siya ng series kasama ang ex-girlfriend na si Kim Chiu. Ito ay may title na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Dating mag-best friend sina Kim at Maja.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with