^

PSN Opinyon

‘Pinoy, umaangat sa Sining’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

PANALO NA NAMAN ang Pilipino at patuloy na umaarangkada sa larangan ng pelikula. Ang pinakabago ay ang pagkakapanalo ng pelikula ni Lav Diaz sa Golden Lion sa Venice.

Maingay at kilala na ang mga Pilipino sa iba’t-ibang larangan. Sa boksing, beauty pageant, singing contest sa ibang bansa at idagdag mo pa ang pagkakapanalo ni Jacklyn Jose sa Cannes Film Festival.

Ang pinakabagong tagumpay ng Pilipino ay dahil sa pelikulang ‘Ang Babaeng Humayo’ na nanalong ‘Best Picture’ sa Golden Lion sa Venice.

Ang pelikulang ito ay isinulat ni Lav Diaz at siya rin ang direktor nito.  Tungkol ito sa paghihiganti ni Horacia na isang school teacher na ginampanan ni Charo Santos-Concio na nakulong sa isang kasalanang hindi niya naman ginawa.

Tatlumpung taon siyang nagdusa sa kulungan dahil lang sa kanyang dating nobyo. Halos apat na oras ang haba ng pelikulang ito.

Ang pangunahing tauhan sa pelikulang ito na si Charo Santos-Concio ay unang nakilala bilang Baron Travel Girl noong 1976.

Mula ng magbitiw siya bilang President eng ABS-CBN tinanong siya kung anong magiging dahilan niya para gumawa o gumanap ulit siya sa isang pelikula. Sinagot niya ito na kapag kakaiba ang istorya at maganda ang role.

Ilang buwan lang ang nakalipas at nailabas na ang pelikulang ito ni Lav Diaz.

Si Lav Diaz o Lavrente Indico Diaz ay kilalang film maker ng bansa. Kilala rin siyang miyembro ng slow cinema movement at nakagawa ng ilang ‘longest narrative films’.

Gumagawa na siya ng mga pelikula simula nung 1990’s ngunit hindi pa ganun kakilala sa labas ng bansa hanggang sa maipalabas noong 2003 ang pelikulang ‘Norte, the End of History’.

Nakapasok ito sa Un Certain Regard section ng 2013 Cannes Film Festival.

Ilang pelikula niya na rin ang umani ng mga parangal. Ang From What is Before nung 2014 na nagpanalo sa kanya ng Golden Leopard sa 2014 Locarno International Film Festival at na-nominate pa siya para sa Asian Film Award para sa Best Director.

Marami pa siyang mga pelikula na lumaban sa iba’t-ibang patimpalak sa labas ng bansa.

Hindi ito ang unang beses na nanalo si Diaz sa Venice. Special mention siya sa Orrizonti section para sa ‘Death in the Land of Encantos’ noong taoong 2007. Orrizonti Award para sa ‘Melancholia’ nung sumunod na taon.

Isang special section sa Venice ang Orrizonti na nakatuon sa alternatibo, experimental films na mas binibigyan ng pansin ang ‘new trends’ sa palabas.

Napanatili ni Diaz ang kanyang pagkakapanalo. Nung nakaraang Pebrero nanalo siya sa Silver Bear Alfred Bauer prize sa Berlin International Film Festival para ‘eight-hour historical epic’ na ‘Hele sa Hiwagang Hapis’ na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz.

Nanalo noong taong 2014 si Diaz sa Golden Leopard ang Locarno International Film Festival sa Switzerland para sa pelikulang ‘Mula sa Kung Ano ang Noon’.

Malaking bagay ang pagkakapanalong ito para sa bansa at sa industriya ng pelikula dahil unang beses na nanalo ang Pilipinas sa patimpalak na ito.

Ang pagkakapanalong ito ay iniaalay niya sa Pilipinas. Sa ilang panayam sa kanya sinabi ni Diaz na ang paggawa nila ng pelikulang ito sa probinsya ng Mindoro ay naging ‘eye-opening experience’ para sa kanya.

Hindi lang naman sa ibang bansa makakakita ng isang kamangha-manghang pangitain kundi maging sa Pilipinas ay napakaraming lugar na dapat ay ipinapakita natin sa buong mundo.

Sa iba’t-ibang lugar sa bansa na nadayo ni Diaz para gumawa ng pelikula ay nakakakita siya ng iba’t-ibang aspeto.

Kung may ilang kaugaliang Pilipino na napalitan ng kaugaliang banyaga kakaiba raw sa Mindoro. Napakamapagbigay ng mga tao at ipinagpapatuloy nila ang mga kaugaliang Pilipino kaya naman mas naging matibay ang kanyang pagiging Pilipino.

Maraming kritiko na ang nagbigay ng kanilang mga komentaryo sa ‘Ang Babaeng Humayo’ at halos lahat ay papuri ang sinasabi mula sa pahayagan sa iba’t-ibang lugar tulad ng Hollywood Reporter, Screen International and Variety.

Naging inspirasyon ni Diaz ang short story ni Leo Tolstoy noong 1872 ang ‘God Sees the Truth, But Waits’

Pinuri rin si Charo Santos sa kanyang pagganap. Ayon sa mga kritiko ang pag-arte niya ay ‘majestic’ at ‘remarkable’.

Kung matatandaan nanalo bilang Best Actress si Charo Santos sa Asian Film Festival para sa pelikula ni Mike de Leon noon na ‘Itim’.

Pinupuri na ang Philippine Movies sa iba’t-ibang dako ng mundo. Hindi naman tumitigil ang ating mga film writers at directors na gumawa ng magagandang pelikula na ipanlalaban at ipagmamalaki sa buong mundo.

Unang beses na nanalo ang Pilipinas sa Venice. Kaya natin binibigyan ng parangal ang pelikulang ito dahil dapat nating ipagmalaki ito dahil tayong mga Pilipino ay kaya nang makipagsabayan sa ibang bansa na ang lalaki ng budget na meron sila.

Kasalukuyang nasa Toronto, Canada ang grupo para sa premiere ng Ang Babaeng Humayo.

Humahataw na ang mga Pilipino na ipagmalaki sa iba’t-ibang panig ng mundo ang kanilang talent at galing.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with