^

PSN Opinyon

Tinimbang ka ngunit kulong

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

“A society should be judged not by how it treats its outstanding citizens but by how it treats its criminals.” Sa pananaw ni Feodor Dostoevsky, ang tunay na pagpapatutoo sa malasakit ng lipunan ay hindi ang pagtangi sa kanyang mga bayani kung hindi sa kanyang pagtrato sa mga nagkasala sa batas.

Para sa tanyag na manunulat, malinaw na nauukol sa bawat isang tao – ipagmamalaki man o ikahihiya – ang konsiderasyon ng komunidad. Gamit ang pamantayang ito, sinukat ni Senator Loren Legarda ang rekord ng Pilipinas. Sa pagtimbang, tayo’y nagkulang.

Kinamusta ang kalagayan ng ating mga kulungan at napag-alaman na, sa pagkain pa lang, ay sadyang kulang na kulang. Ang budget ng ating Bureau of Corrections sa pagpakain ng mga preso ay singkuwenta pesos kada araw o halos P17 kada kainan. At sa lagay na ito ay madalas ni hindi man naluluto nang husto ang pinapakain.

Higit dito ay kulang na kulang din ang espasyo sa ating mga kulungan. Sa Quezon City na lang, nakita natin sa mga pahayagan na ga sardinas na ang nakapiit. Ang overcapacity ay umaabot sa 450%. Sa Manila City Jail, sa isang libong kapasidad ay ngayo’y nagsisiksikan ang mahigit limang libo.

Mula pa noong maipasa ang Dangerous Drugs Act noon 2002 ay mas napadali na ang paghuli at pagkulong ng mga sangkot sa iligal na droga. Ito ang naging sanhi ng pagputok ng dami ng preso sa ating mga kulungan. At ngayon, sa lalong pinaigting na kampanya laban sa droga, tinatayang mas lalala pa ang sitwasyon.

Ang deklaradong pilosopiya ng ating correctional system ay hindi lamang pagpaparusa sa nagkasala kung hindi ang kanilang rehabilitasyon nang sila’y maging kapakipakinabang sa lipunan. Sa kasalukuyang kondisyon ng ating mga kulungan, malinaw na parusa ang pangunahing habol ng pamahalaan. Saka na lang ang rehabilitasyon. At sa bini­tiwan pang salita ng Pangulong Duterte na ang mga lulon sa droga ay hindi tao, hindi magiging prayoridad ng admi­nistrasyon ang pagsalba sa ating mga nagkasala sa batas, lalo na ang mga sangkot sa iligal na droga.

Kung hatulan tayo ni Dostoevsky, ang kaya ang kanyang magiging pasya?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with