^

PSN Opinyon

Manggugulo lulutang

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HALOS mag-piknik este mali panic pala ang madlang Pinoy na nakatanggap ng mga kumalat na mga text messages yesterday ng hapon tungkol sa apat na bebot from Basilan na sinasabing gagawa ng milagro sa mga malls.

Sabi nga, suicide bombers?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, two weeks ago pa ang impormasyong ito. Litid este mali lingid pala sa kaalaman ng madlang pinoy alam na at hindi magpapahuli ang intel community ng AFP at PNP tungkol sa mga bagay na pinag-uusapan natin.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil tinitiktikan ang impormasyon tuloy ang tsismis ay mukhang nabulabog at hindi maka-penetrate ang mga kamoteng gagawa ng milagro.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang pinangalanan malls sa mga kumalat na text messages kung sa Metro-Manila ba ito gagawin o sa ibang lugar.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, simple lang ang inanunsiyo sa text messages basta may apat na bebot from Basilan ang diumano’y magtatangkang magpasabog ng bomba.

Ang tsimis nga, suicide bombers sila?

‘Totoo man o biro ang text messages kailangan tayong mag-ingat dahil ang mga may teplak sa utak ay mga kamote at handang magpakamatay.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming tsimis pa ang lulutang dahil may mga grupong gustong idiskaril ang operasyon ng gobierno tungkol sa usapin ng illegal drugs kaya kung anu-ano ang naiisip gawin ng mga ogag.

Sabi nga, tulad ng planong tiktikan ang mga mayayaman sa BGC na gumagamit ng droga sa mga lugar na kanilang tinitirikan o pinaglulunggaan.

Abangan.

***

Total ban sa mga paputok

ILANG tulog na lang at maghihiwalay na muli ang taon from 2016 to 2017, kaya habang maaga pa ay pag-usapan na natin kung disidido ang gobierno sa ‘total ban’ ng mga paputok para malayo sa disgrasiya ang madlang pinoy kapag “New Year’s Eve.’

Ika nga, ‘political will’ at si Boss Digong lang ang kukum­pas dito tiyak na ‘no more’ paputok kapag maghihiwalay ang taon sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, wala nang itatakbo sa mga ospital para gamutin ng mga doktor dito dahil ang kaso may mapuputulan ng kamay, daliri, mabubulag at may mamamatay pa kapag minalas-malas ang victim.

Bukod dito, tiktikan din ang mga magpapaputok ng baril kapag nagpapalit ang taon.  Isuplong sila ! Iwasan na ang descriminate firing, palakasin ang batas tungkol dito bigyan ng mabigat na parusa ang mga gagong mahuhuli na gumagamit at nagpapaputok nang boga.

Sabi nga, si Boss Digong lamang ang makakalutas ng mga problemang sinasabi natin sa itaas kada Bagong Taon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mainam siguro sa isang lugar na lamang gawin ang fireworks display sa bawat lugar at ang mga experts ang siyang gagawa nito para iwas disgrasiya.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tradition ang pagpapaputok kapag Bagong Taon pero sa puntong ito mukhang matitigil ang putukan blues kapag nagbigay ng hudyat si Boss Digong ng “STOP!’

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with