^

PSN Opinyon

Wala pa ring tigil ang Abu Sayyaf

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PITONG Indonesian sailors ang nabihag muli ng mga armadong kalalakihan sa Sulu Sea. Hindi pa kumpirmado, pero ang hinala ay mga Abu Sayyaf na naman ang nasa likod nitong pangatlong pagtangay sa mga mandaragat. Naiintindihan ko ang galit ng gobyerrno ng Indonesia, lalo na’t katatapos lang ng kasunduan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas na magtulungan para bantayan ang nasabing karagatan mula sa mga kriminal.

Pinakawalan na ng Abu Sayyaf si Marites Flor, ang babaing kasama nina John Ridsdell at Robert Hall, ang Canadians na pinugutan na ng ulo ng mga kriminal. Hawak pa nila ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad. Ginagawan na ng paraan para mapalaya na rin siya. Pero kapalit naman ang pitong Indonesian. Siguro naman hindi bibigyan ng amnestiya ang grupong ito, dahil sa dami ng kanilang ginawang krimen sa bansa. Ang dapat ay durugin na nang husto, dahil walang balak tumigil sa paggawa ng krimen.

Mas maanghang na nga ang mga pahayag ng Indonesia hinggil sa mga aktibidad ng Abu Sayyaf sa dagat. Ipinatigil na nga muna ang pagdala ng karbon sa Pilipinas hanggang makapagbigay ng garantiya ang gobyerno sa kaligtasan ng mga barko at tauhan na nagdadala ng karbon. Ang Indonesia ang nagsu-suplay ng halos nobenta porsyento ng karbon sa Mindanao. Kaya kung titigil ito, asahan na apektado ang buong rehiyon, partikular sa sektor ng enerhiya. Sapat na dahilan na ito para durugin na ang Abu Sayyaf.

May litrato si Indonesian President Joko Widodo, na nakasakay sa isang barkong pandigma nila na nagtungo sa Natuna Islands. Ang Natuna Islands ay inaangkin rin ng China, kaya ang pagtungo ni Widodo sa isla sakay ang barkong pandigma ay tila mensahe sa China na handa silang ipagtanggol ang kanilang inaangking teritoryo. Makikita mo na moderno ang barko base sa mga sandatang nakita sa litrato. Dapat siguro ang barkong ito ang mag-patrol sa Sulu Sea, para bantayan ang karagatan mula sa mga kriminal na Abu Sayyaf. Kung bibigyan ng pahintulot ng bansa ang nasabing barko, baka tumigil na ang pananalakay ng Abu Sayyaf sa mga mandaragat. Baka malayo pa lang ay makita na sila at pasabugin na ang kanilang bangka.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with