^

PSN Opinyon

Ano ba ang mas importante?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

BINAWI na ng LTO ang inilabas na administrative order na maglalagay sana ng limitasyon sa mga “vintage” na sasakyan. Kukunsultahin daw muna ang iba’t ibang grupo ng mga may “vintage” na sasakyan. Hindi talaga maipatutupad ang kautusan ng LTO na ilang araw lang pwedeng ilabas ang mga “vintage” na sasakyan. Ito ang mga sasakyan na higit 40 taon. Kaya kung ang sasakyan ay 1976 model, hindi na ito pwedeng ilabas. Sa pagkakaalam ko, kapag Sabado, Linggo at piyesta-opisyal na lang pwedeng ilabas, at may espesyal na rehistro pa para rito. Sa madaling salita, dagdag na naman sa proseso na pwede na naman pagmulan ng katiwalian.

Umalma ang maraming may mga maaayos na lumang sasakyan. Mas maayos at magaganda pa nga ang kanilang mga sasakyan kumpara sa mga mas bago o modelo. Kung natuloy ang utos na ito, ang Pilipinas lang ang bansa sa buong mundo ang may diskriminasyon sa mga lumang sasakyan. Ayon sa LTO, ang kanilang inaalala lang ay kung nasa maayos ang mga sasakyan. Napakahinang dahilan iyan. Ang mga nagkokolekta ng mga lumang sasakyan ay sinisiguradong nasa maayos ang kundisyon ng kanilang mga sasakyan, dahil may halaga na ang mga ito. Mas dapat tugunan ang mga balasubas at walang karapatang magmaneho, partikular sa mga pampublikong sasakyan. Parang hinusgahan agad ang mga lumang sasakyan. Dapat tingnan muna nila, bago hatulan. Ang nakapagtataka, hindi saklaw ng utos ang mga pampublikong sasakyan at trak.

Mas marami pa ngang mga trak, bus, pampublikong jeepney ang tumitirik sa kalsada. Madalas ba kayong nakakakita ng mga maayos na lumang sasakyan na tumirik? At hindi rin naman madalas ilabas ang mga sasakyan na iyan dahil nga may halaga na bilang koleksyon. Kaya bakit kailangan pang maglabas ng utos na magbabawal ng mga ito sa mga regular na araw, at bakit kailangan pa ng espesyal na rehistro? Bakit hindi na lang gawan ng mga konkretong solusyon para matugunan ang paglabas ng mga plaka ng mga sasakyan? Napaka-importante ba na ipagbawal na ang mga maaayos na lumang sasakyan sa kalsada kaysa sa paglabas ng mga plaka na ilang taon na ring hindi nagagawa? May progreso na ba sa kaso ng pagnakaw ng mga blankong plaka sa kanilang bodega? O mas importante talaga na pagbawalan na ang mga “vintage” na sasakyan sa kalsada?

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with