^

PSN Opinyon

‘Suhol gamit ang BuB?’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ANUMANG proyekto, aktibidad at programa ng pamahalaan kapag pinanghimasukan ng pulitiko, nabababoy. 

Sa halip na pakinabangan ng tao, nagagamit sa sari­ling interes ng nasa likod o nagpapatupad nito. 

Tulad ng Bottom-Up Budgeting (BuB).

Maganda ang konsepto at espiritu ng BuB. Programang ginawa ng gobyerno kung saan may partisipasyon ang mga tao. Bottom-up, ibig sabihin mula sa ibaba, papunta sa itaas. 

Anumang proyektong kailangan sa isang rehiyon, lalawigan o munisipalidad, isusumite ng mga residente sa pamahalaang nasyunal para malaanan ng pondo.

Subalit itong si Sec. Mar Roxas na nagsimula ng BuB noong siya ay kalihim pa ng DILG, iba ang tono.

Gusto niya yatang gawing conditional cash transfer (CCT) o Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ang BuB. 

Sakaling manalo raw kasi siya sa darating na elek­syon bawat isang Pilipino bibigyan niya ng tig-P1,000. 

Sumatutal, sa 100 milyong populasyon, P100 bilyong piso. Idadaan daw ito ng presidentiable sa BuB.

Para bang para mailuklok siya sa pwesto, bibilhin niya ang boto at susuhulan ang mga tao. 

Sec. Mar, nakakalimutan mo yata ang totoong konsepto ng BuB.  

Programa ng gobyerno na sadyang idinisenyo para sa mga proyekto sa bawat lalawigan, rehiyon munisipalidad hindi para ipamudmud sa tao kapag ikaw ay nanalo. 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at Ak­s­yonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitag theoriginal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with