^

PSN Opinyon

Parang basketbol ang away sa GMO

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Natapos na pala noong Martes ang mga public hearing  sa binubuong joint memorandum sa paggamit ng bioteknolohiya para mapataas ang ani ng ating mga produktong agrikultura.

Aba, biglang naglitawan ang mga reklamador  na tutol  sa GMO. Pinipigil nila ang paglalabas ng  Joint Administrative Order na pinangungunahan ng Deparment of Science and Technology.

Masyado raw maiksi ang konsultasyon at ‘di raw sila agad inabisuhan.

Paalala lang ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ang konsultasyon ay ‘di lamang sa mga reklamador kundi pati na rin sa mga  tunay na magsasaka at iba pang mga kasapi sa sector ng agrikultura at sa ating mga siyentipiko.  Isama na rin natin yung mga aktibista na nagpapanggap magsasaka para lang masabing apektado sila.

Teka nga muna, Baka talaga naman ayaw nilang magkaroon ng JAO at dini-diribble na lang nila ang dis­kusyon.

Pero ‘di sila napagbigyan. Iginiit pa rin ng pamahalaan na pipirmahan ito bago matapos ang buwan.

Buti naman!

Hindi rin tayo dapat magtataka. Ayon sa kuwagong SPO - 10 sa Crame, nagsalita ang isang  magsasaka na nagtatanim ng BT corn at sinabing  “Ang talagang dapat  katakutan natin ay ang mawala ang mga GMO products.”

Maganda na kasi ang kita ng mga magmamais dahil sa pagtatanim nila ng BT Corn, na isang  genetical modified organism o GMO.

Kahit ang Department of Agriculture ay nababahala dahil  importante ang GM corn. Hindi lang mababawasan ang ating produksiyon, maari pang bumagsak ang ating livestock industry. Ang GM corn kasi ang isa sa mga mahahalagang sangkap sa pagkain ng mga hayop.

Sino ba talaga ang gumugulo, ang Supreme Court o ang mga reklamador  ng GMO?

Unang una, pinagbawal ng mataas na hukuman ang pagpapalawak ng mga GMOs hangga’t hindi naayos ang regulatory system nito.

Ngayong inaayos na ng gobierno, pilit naman pinipigil ng mga reklamador na pinangunguhan ng Greenpeace at iba pang mga Ngongo  na  puros naman pondo ng mga dayuhan ang ginagamit para lang manggulo sa Philippines my Philippines.

Nagagalit sila sa mga multinational companies na nagdadala raw ng GMO rito. Pero nung nakita nilang maganda  ang kinalabasan, lalo pa silang nagwala.

Tingnan n’yo na lang yung  BT talong. Mababawasan ang pesitidyo at libre pa sa peste pero ayaw nila dahil daw GMO. Baka raw masama ang epekto.

Mahigit 13 years na itong ginagamit ng ating mga magsasaka ng GMO at ang teknolohiya ay 30 years na sa US of A. May nakita ba tayong kagimbal-gimbal na sakuna o sakit dahil sa GMO?

Sagot - Wala!

Tayo ang nauna sa komersilasyong  ng GMO sa ating mga kalakip na bansa at malaki na ang pananaliksik sa bioteknolohiya sa ating mga unibersidad.

Ngayong nagsusunuran na sila sa atin ay bigla pa nating ititigil ang makabagong teknolohiya.

Pakipaliwanag nga  Mr. Reklamador!

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with