^

PSN Opinyon

‘Kasalatan at Kasaganaan’ (2 mukha ng Pilipinas)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAPUKAW ang aking damdamin na may halong pagka-pilosopo sa mga sinabi ni Sen. Grace Poe sa kaniyang speech nitong mga nakaraang araw.

Maaaring marami ang hindi naka-relate, hindi naka-konekta o hindi naka-intindi dahil hindi nila ito nakikita at nararamdaman base na rin sa estado ng kanilang pamumuhay.

Nakasentro ang pansin ni Sen. Poe doon sa mga batang nag-aagawan ng pagkain sa isang plato. Pilit naghahati-hati sa isang noodles habang nakasilong sa dambuhalang billboard ng mga sobra-sobra sa kasaganahan na hirap na hirap magpapayat at magbawas ng timbang. Wala namang masama dito.

Ang nakakaloko, milyones ang ibinubuhos ng adver­tising industry sa mga billboard at patalastas na ito habang­ ang mga batang “kalansay,” lubog ang pisngi, hirap na hirap maghanap ng makakain para sa kanilang mga kuma­kalam na sikmura.

Hindi sila nang-iinsulto o gustong mang-insulto, nagkataon lang na doon sila sumilong. Ang eksenang ito ay sumasalamin sa ating lipunan.

Maaaring totoo ang pamamaraan ng paglalarawan ng senadora, maaari rin namang haka-haka lang o produkto lang ng imahinasyon. Pero, sa malaliman at matalinong pag-aanalisa tulad ng BITAG Live, malinaw pa sa sikat ng araw ang gusto niyang ipahatid na mensahe. 

Walang nagsasalita tungkol dito. Salamat naman at may isang Sen. Grace Poe, ginising ang damdamin ng gobyerno at publiko.

Sa bansang Pilipinas, sa lansangan palang, makikita na ang kasaganahan at kasalatan. Dalawang mukha ng magkasalungat na sitwasyon. Nagkukubli sa mga magaganda at matataas na gusali na napagkakamalian ng marami na tatak ng pag-unlad. Kung sa pamahalaan pa, inclusive growth kung tawagin.

Totoong may kaunlaran, nakikita ito sa mga nag-uusbungang gusali. Subalit, nagkukubli naman dito ang kasalatan.

Kaunlaran na kung tutuusin, ilang sektor lang ang nagtatamasa. Ang mga mayayaman lang ang nakakaramdam habang ang mga mahihirap, lalo pang naghihirap at dumadami pa ang bilang.

Sila ang mga “invi­sible people.” Mga salat na ayaw nating tingnan at pansinin. Itinuturing dumi, kalat at basura na kabahagi na ng tanawin kung saan nagiging manhid na tayo at wala nang pakialam.

Sila ang mga lugmok sa kahirapan. Dahil hindi na nakakapag-analisa dahil sa kuma­kalam na sikmura, ku­makapit sa patalim. Napagsasamantalahan ng mga oportunis­tang puliti­kong epal, kapalmuks, makasarili, magnanakaw at walang pakialam.

Ito ang hubo’t hubad na katotohanan. Pinupukaw ng BITAG Live ang publiko sa reyalidad at totoong mga kaganapan.

Ang lumalalang problemang ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga senador. Hindi ‘yung puro imbestiga lang, wala namang natatapos. Puro kalkal lang ng baho dahil may mga ambisyon sa susunod na eleksyon.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

DAHIL

GRACE POE

LANG

MAAARING

SHY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with