^

PSN Opinyon

Gagaya raw ang CAR sa BBL?

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI ito kuentong kutsero sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  dahil maaaring mahugot este mali sumunod pala ang mga indigenous o katutubong grupo sa Cordillera Administrative Region at iba pang rehiyon sa Philippines my Philippines sa paghingi ng ganap na awtonomiya kapag napagtibay ang panukalang Bangsamoro Basic Law ng administrasyon ni P. Noy.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagbabad este nagbabala pala si1st District Isabela Rep. Rodolfo Albano III, kaya hinihiling niya sa mga kapwa niya kongresista na maghinay-hinay at mag-ingat na pag-aralan at repasuhin ang bawat probisyon ng panukalang BBL.

Banat ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Albano ay miyembro ng House Minority Bloc at lantarang tagasuporta ng pangmatagalang pagsisikap ng pamahalaan na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibinida ni Albano na ang mga lider ng mga tribong minorya at civil society group sa Cordillera ay seryosong tinututukan kung paano haharapin at pagtitibayin ng Kongreso ang BBL.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  natatawa este mali nananawagan pala si Albano sa lahat ng mga mambabatas na busisiing mabuti ang bawat laman ng burador ng BBL para matukoy ang ligalidad nito at kung alinsunod sa Konstitusyon dahil magiging makasaysayang batas ito kapag napagtibay.

Bumubuo sa CAR ang mga probinsiya ng  Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province; at ng regional center – ang Baguio. Saklaw nito ang karamihan ng lugar sa loob ng kabundukan ng Cordillera Central sa Luzon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na naging batas ang BBL ay magbibigay-daan sa pagtatag ng Bangsamoro autonomous region na papalit sa Autonomous Region for Muslim Mindanao, na ayon kay P. Noy ay isang bigong eksperimento.

Abangan.

* * *
Talunan, laos na artista tatakbo sa 2016 election

 

NAGTATAKA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa biglang paglutang ng ilang laos na artistang talunan noon mga nagdaan halalan dahil balik telebisyon ang mga ito sa ngayon?

Ika nga, may mga programa.

Bakit kaya?

Sagot - mukhang kakandidato sa 2016 election ? Hehehe !

Kamote, korek ka dyan!

Ayaw ng banggitin ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga pangalan ng ilang laos na talunan artista dahil karapatan din nila ang muling tumabo este mali tumakbo pala para iboto.
‘Kahit magsasayaw sila, magkaka-kanta, mag-iiyak sa mga dramang pelikula at magpatawa na akala mo ay si Kengkoy ay wala tayong pakialam sa kanila.’ anang kuwagong manggagantso.

Sabi nga, iyan ang buhay Pinoy!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana sa susunod na halalan muling pag-isipan ng madlang botante ang kanilang mga ibobotong kandidato para umasenso lalo ang Philippines my Philippines.  Hindi iyong mabigyan lang ng pitsa at makakain sa loob ng isang araw ay agad iboboto nila ang nangurap ng salapi.

Ika nga, pera palit boto!

‘Huwag naman ganyan!’ sabi ng kuwagong flying voter.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napansin nilang bumangon sa apat na sulok ng tag-sulok ang mga gustong kumandidato dahil nangangamoy politics na ang Philippines my Philippines sa ngayon.

Ika nga, umpisa na nang batuhan ng utot!

Sabi nga, siraan na!

‘Kaya matira ang matibay.’ anang kuwagong Kamote.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

 

vuukle comment

ALBANO

ASSET

AYON

IKA

KUWAGO

MISMO

ORA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with