^

Metro

Warehouse ng plastic, nasunog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa P.1 milyong halaga ng mga ari-arian ang napinsala matapos tupukin ng apoy ang isang warehouse ng mga plastic pro­duct, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ayon sa mga arson investigator ng Malabon City Bureau of Fire Protection (BFP), alas-10:00 kamakalawa ng gabi nang  magsimula ang sunog sa isang warehouse ng  isang plastic product sa Gabriel Subdivision, Brgy. Hulong Duhat.

Ayon kay Teddy Dela Cruz, barangay fire volunteers head, mabuti na lamang hindi kumalat ang apoy dahil nakatulong aniya ang firewall  ng naturang warehouse.

Pagsapit ng alas-10:30 ng gabi ay idineklarang fire out ang sunog dahil na rin sa mabilis na pagresponde ng mga bumbero na umabot ito sa unang alarma.

Tinatayang aabot sa P100,000.00 halaga ng mga ari-arian ang napinsala.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at wala namang napaulat na nasawi o na­sugatan sa insidente.  

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with