^

Metro

700 pulis magbabantay sa bar exams

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
700 pulis magbabantay sa bar exams

Sa ilalim ng bagong regulasyon, ang sinuman, lalo na ang mga nagsasagawa ng bar operations, na manggugulo o makakaabala sa bar exams sa loob ng 100 metro ng UST campus ay dadamputin ng pulisya at kakasuhan ng direct contempt, bukod pa sa iba pang nararapat na kasong kriminal at paglabag sa mga city ordinances. File

MANILA, Philippines — Mahigit 700 pulis ang magbabantay sa University of Santo Tomas (UST) upang protektahan ang libu-libong kukuha ng bar exams simula sa linggo, Nobyembre 5, ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada.

Nagbabala rin si Estrada na papatawan ng Supreme Court (SC) ng multa at hanggang 10 araw na pagkaka-kulong ang sinumang manggugulo sa isasagawang bar exams.

 Tinutukoy ni Estrada ang special court na itatayo ng SC sa loob ng UST kung saan dadalhin ang mga naaresto na manggugulo sa loob ng 100 metro mula sa UST at kakasuhan ng direct contempt of court.

Awtorisado ang nakatalagang presiding judge na magpapataw ng multa at pagkakakulong sa sinumang suspek,  base sa kautusan na inilabas ng Chairman of the Bar Exa­mination Committee na si Justice Lucas Bersamin.

Sa ilalim ng bagong regulasyon, ang sinuman, lalo na ang mga nagsasagawa ng bar operations, na manggugulo o makakaabala sa bar exams sa loob ng 100 metro ng UST campus ay dadamputin ng pulisya at kakasuhan ng direct contempt, bukod pa sa iba pang nararapat na kasong kriminal at paglabag sa mga city ordinances.

Ayon kay MPD director Chief Supt. Joel Coronel, 775 pulis ang itatalaga sa UST sa Nobyembre 5, 12, 19, at 26.

Sa apat na linggong ito, inanunsyo ni Coronel na irere-route ang bahagi ng Espana na papuntang Quiapo mula alas-4 hanggang alas-7 ng umaga at mula alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Mahigpit ding ipagbabawal ang parking sa paligid ng UST tulad ng Espana, Dapitan, P. Noval, at Lacson.

Ang mga traffic measures na ito, ayon kay Coronel, ay upang hindi maabala at mabigyan ng prayoridad ang mga kukuha ng exams, pati na rin ang mga magsasagawa ng bar ops.

Para naman sa kaginha­wan ng mga may edad at may kapansanang mga exa­minees at mga taga-SC, magpapahiram si Estrada ng limang electric tricycles (E-trikes) sa UST para magbigay ng libreng sakay, ayon pa kay Coronel.

Ipapatupad din ang liquor ban sa loob ng 100 metro ng UST sa apat na linggong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with