Imbestigasyon ng PNP-CIDG sa Kian slay, umarangkada
MANILA, Philippines - Inatasan na ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na mag-imbestiga sa pagkamatay ni Kian.
Sinabi ni dela Rosa na pinamamadali na niya sa CIDG ang pagbusisi sa insidente at kasalukuyan pa silang nangongolekta ng mga ebidensiya para sa paghahain ng kaso.
Idinagdag pa niya na isa sa tinitingnan ng mga operatiba ng CIDG ay ang CCTV recording gayundin ang baril ng mga pulis Caloocan na sangkot sa operations na isinumite na sa PNP Crime laboratory para sa ballistic tests.
Samantala, tiniyak naman ni Chief Supt. Dionardo Carlos, spokesman ng PNP na magiging patas ang gagawin nilang imbestigasyon.
- Latest