PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 dedo sa pamamaril sa Caloocan

Sa mga nakalap na ulat, dakong alas-6 ng Linggo ng madaling araw nang mapatay ng dalawang hindi nakilalang salarin ang 50-anyos na si Pedro Ignacio, tanod ng Brgy. 188 Tala, at naninirahan sa GK1 Bo. Concepcion, ng naturang barangay.

MANILA, Philippines -  Tatlo katao kabilang ang isang bara-ngay tanod ang nasawi habang isa pang lalaki ang kritikal ang buhay sa magkakasunod na insidente ng pamamaril ng mga hindi nakikilalang salarin sa iba’t ibang lugar ng Caloocan, magmula kamakalawa ng madaling araw.

Sa mga nakalap na ulat, dakong alas-6 ng Linggo ng madaling araw nang mapatay ng dalawang hindi nakilalang salarin ang 50-anyos na si Pedro Ignacio, tanod ng Brgy. 188 Tala, at naninirahan sa GK1 Bo. Concepcion, ng naturang barangay.

Nabatid na naglalakad pauwi ang biktima nang harangin at pagbabarilin ng mga salarin pagsapit sa may kanto ng Orchid Street at Doña Aurora, sa nasabing barangay.  Isinugod pa sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital-Tala ang biktima ngunit hindi na umabot ng buhay.  Blangko naman ang pulisya sa motibo sa naturang krimen.

Dakong alas-11:30 ng Linggo ng gabi nang pagbabarilin at mapatay din sina Fernando Aquino, 46; at Edwin Malait, 48.  Nagpapahinga na ang dalawang biktima sa loob ng bahay ni Aquino sa may Block 38 Lot 42 Phase 1 Package 3, Brgy. 176 Bagong Silang, nang puwersahang pumasok ang nasa tatlong armadong lalaki na nakasuot ng mga maskara at pinagbabaril ang dalawang biktima dahilan ng agad nilang kamatayan.

Alas-2 naman kahapon ng madaling araw nang mapatay ng hindi rin nakilalang mga salarin ang 54-anyos na construction worker na si Jaime Lumibao.  Naglalakad sa may David Street, Brgy. 60 ang biktima nang pagbabarilin buhat sa likuran ng salarin na mabilis ding tumakas. Naisugod naman agad sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima kung saan siya nilapatan ng lunas at patuloy na inoobserbahan. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: