^

Metro

Iniwan ng ka-live-in, kelot nagbigti

Pilipino Star Ngayon
Iniwan ng ka-live-in, kelot nagbigti

Kinilala ni Chief Insp. Lucio Simangan, ng Malabon City Police  ang biktimang si Ronald Dalisay, 37, ng Gov. Pascual, Sitio 6, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod. Philstar.com/File

MANILA, Philippines - Matapos hiwalayan at layasan ng live-in partner, nagawang magbigti ng isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ni Chief Insp. Lucio Simangan, ng Malabon City Police  ang biktimang si Ronald Dalisay, 37, ng Gov. Pascual, Sitio 6, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod

Lumalabas sa salaysay ng saksing si Justine Fuentes kina Malabon City police homicide investigators P03 Alexander Dela Cruz at P02 Roldan Angeles, alas-7:30 ng gabi, pumunta siya sa bahay ng biktima upang dalhan ito ng kanyang hapunan.

Ngunit laking gulat na lamang ni Fuentes nang tumambad sa kanya ang biktima na nakaluhod sa semento habang nakabigti ng lubid na nakatali sa kanyang leeg habang ang dulo ay nakatali naman sa kisame.

Napag-alaman sa pagsisiyasat ng mga pulis na nilayasan si Dalisay ng kanyang ka-live-in isang buwan na ang nakalipas.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with