^

Metro

2 Bangladesh national, 2 pa arestado sa holdap

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat katao na kinabibilangan ng dalawang negos-yanteng Bangladesh natio-nals at intelligence officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang inaresto ng pulisya matapos masangkot sa pangho-holdap sa Pasay City  kamakalawa.

Sumailalim na sa inquest proceeding sa Pasay City Prosector’s Office ang mga suspect na nahaharap sa kasong  2 counts robbery in band na sina  MD Anowar Hossain, 38; Kamal Hossan, 38; Lawrence Anthony Dalisco,  33,  at Jelyn Parraguirre, 28.

Ayon sa report ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-5:00 ng hapon sa panulukan ng Taft Avenue at Pilapil St., ng naturang lungsod.

Nabatid na isang concerned citizen na isa ring Bang­ladesh national na tumangging magpabanggit ng pangalan ang nag-request ng police assistance sa Libertad Police Community Precint, Pasay City Police, dahil namataan nito ang apat na katao na may kahina-hinalang kilos at may sukbit na baril sa beywang at nakasakay sa isang Toyota Fortuner (ABH 2030).

Kaagad na rumisponde     sa naturang lugar ang mga pulis sa pamumuno ni Inspector Paul Kenneth Magan.

Dito nga ay positibong na­abutan nila ang mga suspect at nang kanila itong sitahin ay wala namang maipakitang kaukulang dokumento hinggil sa dala nilang baril.

Kung kaya’t inaresto ng mga pulis ang mga suspect at napag-alaman nila na ang dalawang suspect na nadakip ay parehong Bangladesh national at si Dalisco ay intelligence officer ng PDEA.

Ilang saglit ay dumating sa himpilan ng pulisya si Mosta-fizur Rahman, 34, warehouse caretaker ni Imee Sardar, isa ring Bangladesh National, kasama ang dalawang helper na sina Joey Mondin at John Mark Gallego at positibo nilang itinuro ang apat na suspect.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with