^

Metro

12 sugatan sa salpukan ng PUJ at bus

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labindalawa katao ang iniulat na nasugatan, kabilang ang isang pedestrian sa salpukan ng isang pampasaherong bus at isang pampasaherong jeepney sa loading bay ng Quezon Avenue­ sa lungsod kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, ang mga sugatan, kung saan apat na pasahero ng jeepney at pitong pasahero sa bus na nagtamo ng mga galos, gayundin ang isang pedestrian ang agad namang nalapatan ng lunas ng rumispondeng QC rescue team.

Base sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente, ganap na alas 8 ng umaga sa loading bay ng Quezon Avenue tapat ng Fisher Mall sa lungsod.

Ayon sa driver ng pampasaherong jeep na si Feliciano Ramos­, paalis na siya sa loading bay matapos magbaba at magsakay ng pasahero nang biglang bumangga sa likuran ng kanyang minamaneho ang pampasaherong bus.

Sa pagkakabangga, nauga ang kanyang pasahero sanhi para masaktan ang mga ito at magtamo ng galos.

Katwiran naman ni Antonio Mercado, driver ng bus, hindi umano kumakapit ang preno ng kanyang sasakyan kaya nagdesisyon siyang idaan ito sa gutter sa gilid ng footbridge para mabawasan ang impact.

Subalit may isang babae na kabababa lang ng footbridge ang kanyang nahagip, bago pa bumangga sa jeep.

Sa kasalukuyan, ang kaso ay hawak ng Quezon City Traffic­ Sector 1 na nagsasagawa pa ng pagsisiyasat hanggang sa kasalukuyan.

vuukle comment

ANTONIO MERCADO

AYON

FELICIANO RAMOS

FISHER MALL

KATWIRAN

LABINDALAWA

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY TRAFFIC

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with