^

Metro

Bebot tinodas sa bangketa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadiskubreng patay na ang 35-anyos na babae nang balikan ng kanyang live-in partner  sa tinutulugang  plywood sa bangketa sa ilalim ng Delpan Bridge, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Liwayway Rigo,walang permanenteng tirahan.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, hinihinalang binagsakan ng tipak ng bato o pinukpok ng mabigat na bagay sa ulo dahil halos mabiyak na ang bungo ng biktima nang datnan ng live-in partner na si Steve Quintana,  alas-3:00 ng madaling-araw.

Nabatid na iniwan ni Quintana ang ka-live dakong alas 9:00 ng gabi upang mangalakal ng basura.

Bago umano umalis ang lalaki, nagsabi pa ito  kay Quintana na natatakot ito, patungkol marahil umano sa nasa paligid na lalaking lasing na umaali-aligid sa kanya.

Maaaring may adik o lasing na nais sumalbahe sa natutulog na biktima  subalit wala  umanong nais  magsalita sa lugar. Inilagak na ang bangkay sa Nathan Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

DELPAN BRIDGE

GLENZOR VALLEJO

INILAGAK

LIWAYWAY RIGO

MAAARING

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NATHAN FUNERAL

QUINTANA

STEVE QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with