^

Probinsiya

Motorsiklo vs SUV: 61-anyos patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY  , Philippines  —  Basag ang ulo at hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang 61-anyos na lolo makaraang bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang Isuzu Hilander sa Maharlika Highway, Brgy. Kanlurang Mayao kamakalawa. Sa ulat ni P/Supt. Reynaldo Maclang, chief of police dito, nakilala ang biktima na si Rolando Alivia, 61, may asawa ng Brgy. Talao-talao. Dakong alas-9:40 ng umaga habang patungo sa Lucena City Government Complex ang biktima sakay ng kanyang Rusi motorcycle nang hindi niya napansin ang kasalubong na Manila bound Isuzu Hilander (WEW-739 ) na minamaneho ni Erwin Regalario ng Taguig City.  Hindi na nakaiwas ang Hilander at natumbok ang motorsiklo at una ang ulong tumilapon sa sementadong kalye ang lolong biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with