^

Probinsiya

Nakuryente sa ginagawang gusali, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Namatay ang 42-anyos na construction worker makaraang makuryente sa talop na high tension wire saka nahulog mula sa ikatlong palapag ng gusali kamakalawa ng hapon sa Barangay Victoria Reyes sa Dasmariñas City, Cavite. Kinilala ng pulisya ang biktima na si  Allan Ocampo, may asawa at nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat ni SPO3 Polly Padios na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, nag-aayos ang biktima kasama ang iba pang obrero sa ikatlong palapag ng gusali nang masagi nito ang high tension wire sa kinakabit na scaffolding. Sa lakas ng boltahe ng kuryente na pumasok sa katawan ay nangisay ang biktima saka tuluyang nahulog mula sa ikatlong palapag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with