PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trak niratrat: 4 sugatan

NORTH COTABATO, Philippines — Apat sa 30-katao na lulan ng trak para magdiwang ng Bagong Taon sa beach ang nasugatan makaraang tambangan ng mga hindi kilalang kalalakihan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Galakit, Pagalungan, Maguindanao noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang mga biktima na sina Jully Paquira, 31, drayber, ng Barangay Sadaan, Midsayap; Roland Custodio, 30; Carol Samaranos, 29; at ang 9-anyos na bata na residente rin sa nasabing bayan. Sa ulat ng pulisya, kabilang ang mga biktima sa 30-katao na lulan ng trak (XGU 154) patungo sana ng Digos City, Davao del Sur para magdiwang ng Bagong Taon sa dagat. Gayunman, tinambangan sila ng mga armadong lalaki pagsapit sa nasabing lugar. Agad namang isinugod sa bahay pagamutan ang mga sugatang biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: