^

Probinsiya

Senglot nakuryente sa truck, dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng 28-anyos na senglot matapos itong makuryente sa food truck habang naglalakad pauwi sa Barangay San Roque sa bayan ng Baao,Camarines Sur noong Sabado ng madaling araw. Sinubukan pang isugod sa ospital sa bayan ng Nabua subalit dineklarang patay ang biktimang si Romnick Albay ng Barangay San Francisco. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-3:10 ng madaling araw naglalakad pauwi ang biktima nang mapasandal sa hagdan ng mobile food truck kaya bigla na lang itong nangisay. Gayunman, namataan ng bystander na si Christopher Bengua ang biktima na nangingisay kaya kaagad tumulong para matanggal ang katawan nito sa truck. Subalit sa lakas ng boltahe ay napaatras si Bengua saka humingi ito nang saklolo sa iba pang residente. Posible umanong lasing ang biktima habang naglalakad kaya napasandal ito sa food truck.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with