^

Probinsiya

Ex –councilor binantaan sa facebook comment

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dahil sa away sa Facebook post, pinagbantaan ang dating councilor at pamilya nito matapos makatanggap ng bulaklak para sa patay sa kanilang gate sa Barangay Centro, bayan ng Buguey, Cagayan noong Biyernes. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Rudil Bassit, hepe ng Buguey police station, takot ang nadama ni ex-Councilor Ran-ran Taloza nang mabasa ang katagang “Rest in Peace” sa itaas ng kanyang pangalan sa bugkos ng bulaklak kasama ang pangalan ng kanyang inang si Delia, anak na si Renz at utol na si Rodel. Sinasabing bago pa lamang iniwan ng hindi natukoy na tao ang mga sariwang bulaklak na natagpuan ng pamilya sa gate dakong alas-6 ng umaga. Pinaniniwalaang may nakaalitan sa Facebook post ang utol ng opisyal na si Rodel tungkol sa pagkamatay ng artistang si Isabel Granada na nauwi sa pagbabanta sa buhay nito na isinaad sa comment at ngayon ay sinisiyasat ng pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with