7 ‘tulak’ arestado sa drug ops
CAMP NAKAR, Lucena City - Pitong notoryus na tulak ng ipinagbabawal na droga ang naaresto ng mga awtoridad matapos ang buy bust operation sa tatlong bayan sa Quezon kahapon ng madaling araw. Sa ulat ni Quezon Police director, Sr. Supt. Roderick Armamento, magkasunod ang buy bust operation sa Brgy. Mayao Crossing at Ibabang Dupay dakong alas-3:15 at alas 4:50 ng mga operatiba ng Lucena Intel/DEU sa pamumuno ni Supt. Art Brual Jr. sanhi ng pagkakadakip nina Chino Novesteras, 33 at Danjo Betito, 22 at nahulihan ng 6.42 gramong shabu. May 6.45 gramo ng shabu, isang kalibre 38, .9mm revolver at kotse ang nakumpiska naman kina Mark Gamit Lee, 21 at Mario Bagsik, 29 sa Brgy. Malupak, Lucban, Quezon dakong alas 7:30 ng gabi. Nauna rito, nasakote rin sina Joseph Marco, Jamil Abdon, at Darwin Atienza matapos ang buy bust operation sa Purok 5, Brgy. Mangilag Sur at nakuhanan sila ng 1.97 gramo ng shabu.
- Latest