^

Probinsiya

Mag-ama utas sa motorbike crash

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nagkalasug-lasog ang katawan ng mag-ama makaraang bumangga ang kanilang motorsiklo sa poste ng kuryente sa gilid ng Rolando Andaya Highway sa Barangay Agrupacion sa bayan ng Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Sa lakas ng pagkakabangga, patay agad ang rider na si Cilmar Alzona, 23, ng Barangay Cabinitan habang sinubukan pang isugod sa Ragay District Hospital ang kanyang tatay na si Domingo Alzona, 62, subalit hindi na umabot ng buhay. Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Simeon Ola, mabilis na tinatahak ng mag-ama ang kahabaan ng highway nang mawalan ng kontrol sa manibela si Cilmar pagsapit sa palikong bahagi ng kalsada kaya sumalpok sa poste ng kuryente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with