^

PSN Showbiz

Venus kung anu-anong sinasabi tungkol kay Maxine

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hanggang ngayon ay isyu pa rin ang hindi raw bihasang mag-English ng pambato natin sa Miss Universe 2016 na si Maxine Medina. Kung ang Miss Universe 2010 4th runner-up na si Venus Raj ang tatanungin, hindi dapat magpa-pressure si Maxine sa mga sinasabi ng mga tao lalo na ng bashers nito. Kung kinakailangan daw niya ng interpreter, mag-request siya ng interpreter. Kung wala man, hindi naman daw masama kung mali-mali ang English dahil ang tinitingnan naman ng mga hurado ay ang content ng sagot at hindi ang magaling na pag-I-English.

Naikuwento rin ni Venus na noong sumali siya sa Miss U ay nag-request talaga siya ng interpreter. Pero sinabihan daw siya ng mga taga-Binibining Pilipinas na hindi na niya kailangan ng interpreter dahil kaya na  niya ito at kilala sa buong mundo na marunong mag-English ang mga Pinoy. Pero kung pinayagan daw siya noon na magkaroon ng interpreter baka nasagot niya ng iba ang tanong at hindi na sumikat ang linya niyang ‘major major’. “Pero I think prerogative pa rin ni Maxine ‘yun,” pakli ni Venus.

“Even if we want an interpreter, and maaaring maging breakthrough ‘yan sa mga future candidates in the Philippines who can use an interpreter, pero she has to submit pa rin talaga to the authority which is Binibining Pilipinas dahil sila pa rin ang may desis­yon kung kailangan niya ng interpreter,” pahayag ni Venus.

PAK: Malaking achievement na raw sa magkasintahang Tommy Esguerra at Miho Nishida na umabot ng isang taon ang kanilang relasyon. Hanggang ngayon ay masaya raw sila  at kung sila ang masusunod, sana sila na nga raw ang magkatulu­yan dahil hindi  nila iniisip na magkaroon pa ng ibang relasyon.

Pero inamin ng magkasintahang Tommy at Miho na ang language barrier daw talaga ang madalas nilang pinag-aawayan. Hindi pa rin kasi sanay mag-Tagalog si Tommy at hindi naman sanay mag-English si Miho. Kaya miscommunication talaga ang madalas
daw nilang pinag-tatalunan. “I think the worst time we had together, was miscommunication.

“We just don’t understand each other, ‘yung language barrier talaga,” pahayag ni Tommy sa presscon ng pelikula nilang Foolish Love ng Regal Films na magsu-showing na sa January 25.

Sana tangkilikin daw ang first movie ng kanilang loveteam para magtagal ang kanilang ToMiho loveteam. BOOM: How true na umabot daw ng mahigit isang milyon ang gastos para sa birthday dinner na inihanda ng fans ni Alden Richards? Ginanap ang selebrasyon sa Solaire Hotel kamakalawa ng gabi, at tuwang-tuwa si Alden sa malaking paghahandang ito na ginawa ng kanyang fans.

Pagkagaling nila ng Cebu kung saan sila nag-Sinulog, dumiretso na sila ni Maine Mendoza sa Solaire para sa malaking selebrasyon ng Aldenatics.

Sabi raw ng ilang fans, at least napatunayan nila sa fans ni Maine na may pera sila. Kini-claim daw kasi ng ibang Mainenatics na mas mapera sila kesa sa fans ni Alden. Kasi naman talagang gumagastos ang fans ni Maine at marami talaga sa kanila ang nagwawaldas nang husto para sa phenomenal star.

Masayang-masaya si Alden nu’ng gabing iyon lalo na’t dumalo at pinagbigyan ni Maine ang imbitas­yon ng Aldenatics.

vuukle comment

BINIBINING PILIPINAS

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with