4 arestado sa buy-bust
BULACAN, Philippines – Arestado ang apat na sinasabing notoryus na drug peddler sa panibagong buy-bust operation sa Barangay Batia, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling araw. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Raymart Ogbinada, 29; Aderlino Cano, 40; Darell Dela Cruz, 29; at si Dennis Agustin, 43, mga residente ng Northville 5 sa nasabing barangay. Base sa ulat ni P/Chief Insp.Ronnie Pascua, hindi na pumalag ang mga suspek matapos na maaktuhan sa bentahan ng droga dakong alas-2 ng madaling araw. Nasamsam sa mga suspek ang 24-plastic sachet ng shabu, digital weighing scale, mga drug paraphernalia at P1,000 marked money na ginamit sa operasyon.
- Latest