2 bulagta sa pamamaril
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang napatay sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng San Pablo at Cauayan City, Isabela kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Aladine Revocal, hepe ng San Pablo PNP, patungo sa inuman ang biktimang Barangay Tanod na si Raffy Gumaru sa Barangay Annanuman nang ratratin ng mga hindi kilalang kalalakihan. Narekober sa crime scene ang mga bala ng M16 Armalite rifle. Napaslang din si Robert Lozada matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins habang ipinapasada ang kanyang traysikel sa kahabaan ng provincial road sa Barangay San Fermin sa Cauayan City, Isabela kamakalawa ng gabi.
- Latest