^

Probinsiya

Mag-aama niratrat sa higaan, 2 patay

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kapwa nasawi ang isang ama at panganay niyang anak  habang nasa kritikal na kondisyon ang bunso nito matapos na pasukin at pagbabarilin ng dalawang lalaki habang mahimbing na natutulog sa kanilang bahay sa Brgy. Biñang 2nd, Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Agad na nasawi sina Ernesto “Batong” Navarro Jr. 32, PUJ barker at anak na si John Lloyd Navarro, 15, habang nasa kritikal na kondisyon ang bunsong si Adam Navarro, 10, pawang ng Avelino Mendoza St., Brgy. Biñang 2nd, naturang bayan. Sa ulat ni PO3 Gener Cruz, dakong alas 12:45 ng gabi habang mahimbing na natutulog ang mag-aama nang pasukin ng dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng bullcap at pinagbabaril ang mag-aama. Narekober sa lugar ang 15 basyo ng bala, 6 na tingga mula sa .45 kalibre ng baril. Nagkaroon umano ng kasong carnapping ang amang biktima subalit nakalaya matapos na hindi na dumalo sa pagdinig ang complainant habang sinisilip din ang anggulo na may kinalaman sa illegal na shabu ang motibo sa krimen matapos na mapag-alamang dati siyang police asset.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with