^

Probinsiya

Misis pinatay sa bugbog ng mag-asawa’t anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang misis  habang malubha namang nasugatan ang kanyang 17-anyos na  anak na dalaga matapos na kuyugin at bugbugin ng kanilang kapitbahay na mag-asawa’t anak sa Barangay Bagania, bayan ng Tabina, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Halos mabasag ang bao ng ulo ng biktimang si Carmelina Vargas habang ginagamot naman sa ospital ang dalagang anak na si Glory Jean Vargas  na nagtamo ng mga pasa at  kagat sa likuran ng katawan.

Sa ulat ni P/Inspector Dahlan Samuddin, PNP regional spokesman na isinumite sa Camp Crame, naitala ang krimen dakong alas-4:50 ng madaling araw kung saan sinugod ang mag-ina sa kanilang bahay ng mag-asawang Jose Albia, 47; Natividad Albia, 44, gayundin ang anak na si Joemar Albia, 24.

Agad na kinuyog ang mag-ina na noo’y kagigising lamang kung saan pinaghahampas ng matigas na bagay saka pinagsisipa, sinampal, kinagat sinabunutan at sinuntok.

Sa tindi ng mga sugat  at galos sa katawan  patikular sa ulo nito ay namatay ang biktima habang nasakote naman ng mga operatiba ng pulisya ang mag-asawa at anak na nahaharap sa kasong kriminal.

Lumilitaw naman sa inis­yal na imbestigasyon na nakaaway ni Carmelina ang misis ni Jose sa hindi nabatid na dahilan.

vuukle comment

BARANGAY BAGANIA

CAMP CRAME

CARMELINA

CARMELINA VARGAS

GLORY JEAN VARGAS

INSPECTOR DAHLAN SAMUDDIN

JOEMAR ALBIA

JOSE ALBIA

NATIVIDAD ALBIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with