^

Probinsiya

Nagpanggap na NPA, kinatay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Hindi umubra ang pananakot ng 52-anyos na magsasaka na nagpanggap na miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos itong pagtatagain ng kanyang kapitbahay sa Barangay Rizal, bayan ng Atimonan, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Namatay agad sa pinangyarihan ng krimen dahil sa dami ng tinamong taga sa katawan ang biktimang si Alejandro “Handoy” Guevarra habang  boluntaryo namang sumuko sa mga barangay officials ang 41-anyos na suspek na si Celso Blaya, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon ay nag-iinuman ang suspek at biktima sa isang tindahan at nang malasing ay napadako ang kanilang usapan sa planong panliligaw ng anak na lalaki ng biktima sa anak na babae ng suspek.

Sinabi umano ng suspek na bata pa ang kanyang anak at hindi pa nito pinapayagan na tumanggap ng manliligaw.

Sa puntong iyon ay nagalit ang biktima at nanakot na siya ay kasapi ng NPA kasunod ng pagbabanta na ipadudukot ang suspek.

Sa galit ng suspek ay umuwi ito at pagbalik ay armado na ng gulok at pinagtataga ang biktima.

vuukle comment

ALEJANDRO

ATIMONAN

BARANGAY RIZAL

CELSO BLAYA

GUEVARRA

HANDOY

NAMATAY

NEW PEOPLES ARMY

QUEZON

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with