^

Probinsiya

Mag-asawa, anak pinatay na sinunog pa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na pinatay at sinunog pa ang mga bangkay ng mag-asawa at isang anak nila sa loob ng taha­nan sa  naganap na masaker sa Isabela City, Basilan noong Lunes.

Kinilala ang mag-asawa na sina Rotillo Gonzaga, 57; Lucia Gonzaga, 47; at ang anak na si Virgilio Gonzaga,11.

Sa ulat na isinumite ni P/Senior Supt. Mario Da­pilloza sa Camp Crame, dakong alas-3:15 ng hapon kamakalawa nang ma­diskubre ang mistulang uling na bangkay ng mga biktima na halos hindi na makilala sa Campo Barn, Kapayawan sa nasabing lungsod. 

Ang insidente ay ini-report sa mga awtoridad ni Rodel Ariola, 30, may-ari ng lupang tinitirhan ng pamil­ya Gonzaga na kaniyang katiwala.

Inaalam ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) kung paano pinaslang ang mga biktima na pinaniniwalaang dalawa hanggang tatlo ang gumawa ng krimen.

Ayon pa sa opisyal, sinadyang sunugin ang bahay ng pamilya Gonzaga upang itago ang krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na bago ang insidente ay nagtungo pa sa barangay hall ang mag-asawa para ipagbigay-alam ang sigalot sa lupain sa pagitan ng mga ito at ng kanilang kaaway.

Gayon pa man, hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang sinisilip na anggulo ay alitan sa lupa.

vuukle comment

CAMP CRAME

CAMPO BARN

GONZAGA

ISABELA CITY

MARIO DA

RODEL ARIOLA

ROTILLO GONZAGA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with