^

Probinsiya

21-katao minasaker ng Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa dalawamput-isa katao na lulan ng dalawang Tamaraw jeepney ang napatay makaraang tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa kahabaan ng highway ng Sitio Jatih sa bayan ng  Talipao, Sulu kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat, sinabi ni Brig. Gen. Martin Pinto, commander ng 2nd Marine Brigade, naganap ang pananambang sa liblib na bahagi ng highway ng Barangay Lower Talipao dakong alas-3:30 ng madaling araw kung saan sinasabing patungo ang mga biktima sa kalapit bayan para dumalo sa selebrasyon ng Eidl Fitr.

Ayon kay Pinto, puntirya ng mga bandido ang mga miyembro ng Barangay Police Action Team  na sinasabing sangkot sa rido na may kaanak na miyembro ng Abu Sayyaf.

Kaagad namang rumes­ponde ang pangkat ng militar at narekober sa ambush site ang sampung bangkay ng babae at anim na lalaki habang tatlo ang namatay sa Sulu Integrated Provincial Health Office.

Kinilala ang mga napatay na sina Padzma Hasan, Misyaar Hassan,14; Maida Hasan, 35; Jirmalyn Hasan,14; Dadah Palahuddin, 85; Mura Ahadan, 60; Jainab Ajid, 50; Milina Ahadan,15; Miriam Binhur,19; Nurfaisa Gappar,14; Dayang Ahadan,19; Tatga Isahac, 40; Risalyn Isahac, 7; Saik Ajid, 45; Said Palahuddin, 35; Abdul Julhari,83; Baris Julhari,19; Abdukahal Ahadan,19; at si Abdulharim Isahac Omar.

Kabilang sa mga suga­tang naisugod sa nasabing ospital ay sina Sabur Saik, 21; Rohana Tamrin, 9; Termejie Tamrimo, 3; Ahmad Patani, 14; Alnijar Isahac,18; Ibnorahja Bakkang, 60; Almajir Jumdana, 45; Ahadin Tamrin, 30; Titong Timar,14; Rosalyn Palahuddin, 27; Maldiya Palahuddin, 24; Radjal Tambuyong, 30; Tambrin Ahadin, 45; at si Ruhaidi Saik; 35.

Kasalukuyang nakiki­pag-ugnayan ang militar sa mga opisyal ng barangay at lokal na pamahalaan para asistihan ang pamilya ng mga biktima.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban sa grupo ni Abu Sayyaf sub-leader Indan Susukan na responsable sa pananambang.

vuukle comment

ABDUKAHAL AHADAN

ABDUL JULHARI

ABDULHARIM ISAHAC OMAR

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AHADIN TAMRIN

AHMAD PATANI

ALMAJIR JUMDANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with