^

Probinsiya

Bus vs SUV: 6 patay, 5 sugatan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Lima-katao ang iniulat na namatay habang limang iba pa ang nasugatan sa naganap na salpukan ng pampasaherong bus at SUV sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Sitio Hoyon-hoyon, Barangay Bacolod sa bayan ng Juban, Sorsogon kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa mga namatay ay sina Roselito Mailig, 56, driber ng SUV; Danilo Montifalcon, driver ng bus: Alfredo Manapol, 46, Jaime Malabanan, 47; Levy Mercado, 57; at si Vicente Cla­rito, 6 , pawang nakatira sa Calamba City, Laguna.

Samantala, naisugod naman sa Irosin District Hospital ang mga sugatang pasahero ng bus na sina Ronalyn Dosa, 19; Alvin Ruiz, 29; Boy Navarosa, 52; Annaliza Macapanas, 33; at si Angelica Pagasertonga, 3, pawang taga Samar.

Sa naantalang ulat ng pulisya, naganap ang trahedya bandang alas-4:30 ng madaling araw sa nasabing highway.

Nabatid na patungong Samar ang  pampasaherong Fortune Star Bus (UVB- 943) na menamaneho ni Montifalcon mula sa Metro Manila nang makasalubong ang SUV (TGQ 530) na minamaneho naman ni Malig na sinasa­bing pabalik na sa Laguna.

Pinaniniwalaang nakaidlip ang driver ng SUV kung saan nawalan ito ng kontrol sa manibela at sumalpok sa kasalubong ba bus.

Nabatid din na ang mga namatay ay nagmula sa Leyte matapos itong mamahagi ng relief goods sa mga sinalantala ng Bagyong Yolanda.

 

vuukle comment

ALFREDO MANAPOL

ALVIN RUIZ

ANGELICA PAGASERTONGA

ANNALIZA MACAPANAS

BAGYONG YOLANDA

BARANGAY BACOLOD

BOY NAVAROSA

CALAMBA CITY

DANILO MONTIFALCON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with