^

Police Metro

Dayan ikinulong sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa
Dayan ikinulong sa Senado

Nagbigay ng kanyang pahayag si Ronnie Dayan sa kanyang ikatlong pagharap sa pagdinig ng Senado tungkol  sa pagpatay kay Mayor Espinosa Sr. na kung saan ay nakaharap nito ang dating amo na si Senator Leila De Lima. Geremy Pintolo

MANILA, Philippines - Sa Senado pansa­mantalang ikukulong ang dating driver na naging ka-relas­yon ni Senator Leila de Lima na si Ronnie Dayan matapos siyang i-contempt ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Si Senator Manny Pacquiao ang nagsulong na i-contempt ng komite si Dayan dahil sa hinalang hindi ito nagsasabi ng totoo at pinipili lamang ang isisiwalat sa komite.

“In the meantime that he’s being held, as he’s been cited in contempt by this committee, he will stay muna at the Senate premises,” pahayag ni Lacson.

Si Senator Vicente “Tito” Sotto III naman ang nagsulong na dapat ay sa Building 14 ng New Bilibid Prison (NBP) ikulong si Dayan kung saan nakakulong ang mga sinasabing malalaking drug lords.

Inihayag ni Lacson na pag-uusapan pa ng komite at posibleng pagbotohan sa susunod na hearing kung itutuloy ang planong ikulong si Dayan sa NBP.

Pero inaasahang sa Senado mananatili si Dayan hangga’t hindi pa muling nagpupulong ang komite.

Bago magsimula ang sesyon ay sinabi ni Pacquiao na hindi niya ka­yang maniwala sa sinasabi ni Dayan na ta­nging si Kerwin Espinosa lamang ang nagbigay umano ng pera mula sa ilegal na droga.

Iginiit ni Pacquiao na mas maraming malala­king drug lords dito sa Metro Manila at nakapagtatakang kay Espinosa lamang ito makakakuha umano ng pera si Dayan.

Naunang ibinunyag ni Espinosa na umabot umano sa P8 milyon ang naibigay niya kay De Lima sa pamamagitan ni Dayan noong 2015.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with