^

Police Metro

Taxi yupi sa trak: Pamangkin ng solon, todas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Halos nayupi na parang lata ang isang Grab taxi nang ito ay salpukin ng isang trak na ikinasawi ng isang 25-anyos na babae na pamangkin ng isang kongresista naganap kahapon ng madaling araw sa Nagtahan flyover, Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling araw.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital Ng Maynila si Ivory Agarao Abaya, 25, casino surveillance, ng  3375 Unit 4/F Ibarra, Brgy. Palanan, Makati City, pamangkin ni Laguna 4th District congressman Benjamin ­Agarao, Jr. habang kritikal ang kaibigan nitong si Karen Graneta, 25, company nurse at on line casino dealer, ng No. 334 San Diego St., Sampaloc, Maynila at driver ng Grab taxi na  Toyota Vios (conduction sticker YY 8918) na si Antonio Maraya, 44, ng Blk. 25, Lot 39 Gillian Hills, Llano Road, Caloocan City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang sakuna dakong alas-12:00 ng madaling araw sa southbound lane ng Nagtahan flyover, Sta. Mesa ay galing ang dalawa sa Balic-Balic at patungo sa tinutuluyang condominium sa Makati City nang sumalpok ang isang trailer truck na minamaneho ni Edison Gonzales sa isang pang 14 wheeler truck na Isuzu cargo na may plakang CXI 841 na sumalpok sa likurang bahagi ng taxi na sinasakyan ng mga biktima na bumangga naman sa isa pang trak na nasa kanilang  unahan.

Nabatid na mahigit isang oras na naipit sa loob ng taxi ang tatlong biktima bago tuluyang naialis ng mga rumes­pondeng rescuer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with