^

Police Metro

Chiz suportado ng farmers group sa buong bansa

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naghayag ng suporta ang 15 milyong miyembro ng grupong magsasaka sa buong bansa para sa kandidatura ni Vice Presidential candidate Senator Francis “Chiz” Escudero.

Nakuha ni Escudero, ang runningmate ni Presidential candidate Sen. Grace Poe ang tiwala at suporta People’s Coalition for Progressive Philippines (PCPP),  Confederation of  Coconut Farmers  Organization of the Philippines (CONFED)  at Tri-Council Mindanao.

Ang PCPP ay isang koalisyon ng 146 socio-civic organization na mayroong 15 milyong miyembro sa buong bansa.

Lumagda  sa isang manifesto si PCPP Chairman Manuel Barbara Jr.,  kasama ang mga miyembro ng kanilang board of trustees  noong Martes na nagpapahayag ng kanilang buong pagsuporta kay Escudero upang maisulong ang kanilang kandidatura.

Ayon naman kay PCPP vice-president for legal Atty. Rogelio Bolivar  na nagkaroon ng pagpupulong ang kanilang mga miyembro at napagkasunduan na susuporatahan ang kandidatura ni Escudero sa darating na Mayo 9.

Ikinatuwa rin  ni Escudero ang nasabing  pag-eendorso ng CONFED dahil ito ang pinakamalaking samahan ng mga magsasaka ng niyog sa bansa kung saan ang miyembro ay nasa 3.2 milyon na pinamumunuan ni Chairman Efren Villaseno.

Ang  Tri-Mindanao naman ay isang samahan ng Muslim-Christian sa Southern Philippiines  sa pamumuno  ni Datu Mao Andong Jr., na siya rin pangulo ng Coconut Peasant’s Reform Alliance (COPRA) ay nagbigay din ng suporta kay Escudero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with