^

PM Sports

Marinerong Pilipino pasok sa quarterfinals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ganap na nakasalta ng quarterfinals ang Marinerong Pilipino matapos makumpleto ang pagwawalis sa hu-ling lima nilang laro sa eliminations kasunod ng huling panalo sa AMA Online Education, 125-71 sa penultimate game day ng PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon.

Lumobo pa sa 57- puntos ang kanilang kalama-ngan sa iskor na 123-66.

Namuno si Julian Sargent sa naturang panalo sa kanyang itinalang 20-puntos, 7 rebounds, 5 assists at 4 steals. Nagdagdag naman si Donald Gumaru ng 18 puntos at si Isip ng 15 puntos.

Nagtapos ang Skippers sa eliminations sa 6-4 panalo-talo at posible silang pumuwes-tong pang-6 sa playoffs depende sa magiging pagtatapos ng mga sinusundang koponang Batangas at Centro Escolar University.

Kasalukuyan pang nakikipaglaban ang Batangas sa Gamboa Coffee habang sinusulat ang balitang ito.

Ang Batangas (5-3)at CEU (5-4) at Wang’s Basketball ay pare-parehong nag-uunahan sa dalawang natitirang quarterfinal slot.

Nanguna naman para sa Titans na tinapos ang kampanya sa 1-9 panalo -talo, si Daniel Salonga na may 14 puntos.

Samantala, tiyak nang papasok ng playoffs na may twice-to-beat advantage bilang no. 3 squad, iginupo ng Tanduay ang sibak nang Racal Motors, 81-72 Ang panalo ay nagbigay kasiyahan   sa kanilang team  owner na laging umuuwing luhaan sa tuwing nanonood ng laro.

“Tuwing nanonood kasi siya,  natatalo kami, so gusto ko sanang ma-break yung jinx. Para umuwi naman siyang masaya,” pahayag ni Rhum Masters coach Lawrence Chongson na tinutukoy ang may-ari ng Tanduay na si Bong Tan.

Makailang ulit na tinangka nilang layuan ang Racal ngunit hirap silang  umagwat partikular sa payoff period kung saan tinapyas ng Alibabas ang 10-puntos nilang bentahe hanggang apat sa iskor na 70-74 papasok sa huling dalawang minuto ng laban.

Muling tumapos na leading scorer para sa Tanduay si Von Tambe-ling ng 13 puntos habang nagdagdag naman sina James Martinez, Rena Palma at Paul Vanilla ng 12, 11  at 10 puntos ayon sa pagkakasunud.

Nanguna naman para sa Racal na nagtapos na may 3-6 panalo-talo si Allan Mangahas na may 14-puntos. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with