^

PM Sports

Lady Blazers ginulat ng Lady Pirates

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ginulat ng Lyceum of the Philippines Lady Pirates and paboritong defending champion College of St. Benilde Lady Blazers,  25-22, 24-26, 25-18, 20-25, 15-10 kahapon sa women’s division ng 92nd NCAA Volleyball Tournament na ginanap sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Dahil sa kanilang panalo, nanatiling buhay ang pag-asa ng Lady Pirates na makapasok sa Final Four. Umakyat sila sa sosyohan sa ikaapat na puwesto kasama ang Arellano Lady Chiefs sa parehong 3-1 win-loss slate.

Nagpakitang gilas si team captain Cherilyn Jhane Sindayen sa kanyang 16 puntos kabilang na ang mga malalaking hataw sa ikalimang set kung saan nagwagi sila sa madikit na 15-10 score.

Sina La Rainne Fabay, Patrice Mabelle Inton at  Christine Miralles ay nag-ambag rin ng 14, 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod para dungisan ang dating malinis na kartada ng reigning titlist Lady Blazers.

Ang Lady Blazers ay bumagsak sa ikalawang puwesto kasama ang San Beda Red Lionesses sa parehong 4-1 record. Ang San Sebastian Lady Stags ni Grethcel Soltones naman ang nag-iisa sa liderato sa 4-0 card.

Sinabi ni LPU coach Emil Lontoc, ang kanilang panalo ay nagbigay daan para makabuo ng respeto ang kanyang koponan.

“I hope they will notice us now,” sabi ni Lonto, isa sa mga beteranong mentor sa buong bansa.

Sa men’s division, tinalo ng  St. Benilde Bla-zers and LPU Pirates,  26-28, 25-19, 25-17, 25-21, para umakyat sa ikalawang puwesto kasama ang San Beda Red Lions sa parehong  4-1 slate.

Nanalo rin ang LPU Junior Pirates laban sa CSB-DLSU Greenies,  25-11, 25-16, 25-8 upang  makisos-yo sa liderato kasama ang Emilio Aguinaldo Brigadiers sa parehong 3-0 kartada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with