^

PM Sports

PCSO 2YO Maiden race inaabangan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Aabangan ng bayang karerista ang gagana-ping Philippine Charity Sweepstakes Office Special Two Year old Maiden race ngayong hapon sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan, Batangas.

Sa ngayon ay ang Smoking Saturday na dadalhin ni Jonathan B. Hernandez ang inaasa-hang mangingibabaw sa pakarerang ito na inisponsoran ng PCSO. Ang distansiya ay itinalaga sa 1,400 meters.

Sa ginanap na trial race ay nanguna ang Smokin Saturday at pren-teng naka-break pa si Hernandez. Ang kabayo ay pag-aari ni R.G. Inigo at inihahanda ni Donato S. Sordan.

Ang Salt And Pepper na mula sa Hermie Esquerra stables na kinukundisyon ni Ruben S. Tupas ang siyang magiging  mahigpit na kalaban. Si Fernando M. Raquel Jr ang hinete.

Ang isa pang kontender ay ang Selfie ng Santa Clara Stockfarm  na ipinaubaya kay John Paul A. Guce sa pag-e-ensayo ni Nestor A.Manalang.

Ang Casino Royale na papatungan ni Kelvin B. Abobo ay isa sa mga pa-ngunahing kontender.

Ang iba pang kalahok pati mga hinete ay sina Security Empress ni J.A. Guce, As Soon As Possible ni J.B. Bacaycay, High Frequency ni Pat Dilema, Biglang Buhos ni M.A. Alvarez, Wildtrack ni J.B. Cordova, Pamela ni M.M. Gonzales at Pretty Pretty Pretty ni J.B. Guce.

Dalawang carry over pot naman ang aasintahin din ng mga karerista ngayon. Sa unang karera ay may P54,476 pot na nakabitin para sa quartet.

Sa super six rin na nagkataong sa tampok na karera nailagay ang P53,706 na carry over pot.

Ang Smokin Saturday ang siyang magi-ging banker at ihahalo na lang ang lima pa para sa tumpak na kumbinasyon. (JM)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with