^

PM Sports

Dumating na sa Los Angeles Manny handa nang mag-training

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ilang oras matapos igiya ang kanyang Kia team sa laro sa 2015 PBA Commissioner’s Cup noong Sabado ng gabi ay dumiretso si Manny Pacquiao sa airport para bumiyahe patungong United States.

Sa kanyang pagdating sa Los Angeles Airport kahapon ng umaga ay kaagad siyang dinumog ng mga naghihintay na mediamen. Mabilis din siyang suma-kay ng sasakyan para maiwasang dumugin.

Nag-post si Pacquiao ng kanyang video sa Twitter kung saan ipinakita ang pagkaway niya sa mga fans palabas ng airport at may caption na:

“I’m back in LA. Ready to train for May 2nd.”

Nauna nang sinabi ni chief trainer Freddie Roach na kaagad nilang bubuksan ni Pacquiao ang kanilang training camp para sa paghahanda sa laban kay Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa nakaraang mga linggo ay sinimulan na ng Filipino world eight-division champion ang kanyang pagpapakondisyon sa kanyang gym sa Sampaloc, Manila.

Pansamantalang si Filipino assistant trainer Marvin Somodio ang mamumuno sa paghahanda ni Pacquiao sa pagdating nito sa Wild Card Boxing Club ni Roach sa Hollywood, California katuwang si strength and conditioning coach Justin Fortune.

Si Roach ay magtutungo sa Macau para sa laban ni Chinese two-time Olympic gold medalist Zou Shiming sa Cotai Arena.

Ayon kay Roach, may nakahanda na siyang game plan sa pagsagupa ni Pacquiao kay Mayweather.

“We just need to have the right strategy to beat this solid fighter,” wika ni Roach sa 38-anyos na si Mayweather na hindi pa natatalo sa kanyang 47 laban. “Mayweather is a slick guy, and he is not the easiest guy in the world to fight. He’s undefeated for a reason. He’s very smart.”

Kumuha na si Roach ng dalawang malalaking sparring partners para kay Pacquiao. Ang mga ito ay sina Kenneth Sims Jr. (5-0, 2 KOs), isang junior welterweight at dating amateur standout mula sa Chicago, at Rashidi Ellis (13-0, 10 KOs), isang welterweight buhat sa Lynn, Massachusetts.

Darating ang dalawa sa Wild Card sa Marso 8 para sa sparring session kay Pacquiao. (RC)

vuukle comment

COTAI ARENA

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

JUSTIN FORTUNE

KENNETH SIMS JR.

LAS VEGAS

LOS ANGELES AIRPORT

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with