Anak Ikinakahiya ang Pamilya
Dear Vanezza,
Yari, lagot ako?! Pinapatawag ako ng tatay ng syota ko na galing sa Saudi. Gusto raw akong makausap na kinakabahan ako dahil hindi ako umakyat ng ligaw, kundi idinaan ko lang sa text at messenger ang usapan namin. Nag-aalala ako siyempre dahil tatanungin niya ang tungkol sa pamilya ko. Nahihiya ako dahil galing ako sa broken family. Baka isipin ng erpat niya na ganundin ang gagawin ko sa anak nila gaya ng pag-iwan ng tatay ko sa amin dahil sa ibang babae. Natatakot akong humarap, ano ba ang gagawin ko? – James
Dear James,
Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa tatay mo. Puwedeng ipaglaban sa tatay ng GF mo na iba ka sa erpat mo. Wala kang dapat ikahiya dahil hindi mo naman kasalanan ang paghihiwalay ng magulang mo. Ang importante ay magpokus kung paano patunayan sa tatay niya na karapat-dapat ka sa anak nila.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest