Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Batugan ang Hilaw na Manugang

Dear Vanezza,

Kakaiba ang panganay kong babae na 19 years old. Akalain bang mag-uwi ng lalaki na 20 years old sa bahay at buntis na raw siya ng dalawang buwan. Ang masaklap ay ang tamad ng kanyang nobyo na hindi nahihiyang hindi kumilos o maghanap ng trabaho para sa manganganak kong anak. Sa edad kong 50 years old ay sakitin na rin ako samantalang solong nagtatrabaho ang mister ako sa isang pabrika. Ano ba ang gagawin namin sa anak ko na kumbinsihin ang nobyo na walang balak maghanap ng trabaho ay umaasa pa sa amin. – Malou

Dear Malou,

Kailangan mong kausapin ng masinsinan ang hilaw mong manugang at maging ang kanyang mga magulang. Para pag-usapan ang kaso ng iyong anak at paano ang mangyayari sa kanila upang magsimula ng kanilang pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: